Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday, hindi ‘flopsina queen’

HINDI naman kami payag doon sa sinasabi ng mga basher na si Judy Ann Santos ang “flopsina queen”. Totoong mahina ang pelikula ni Juday nitong nakaraang festival na sinasabing kumita lamang ng P20-M sa 10 araw. Aba noong araw na hindi pa ganyan kamahal ang bayad sa sine, kung P20-M lang ang kikitain ng pelikula ni Juday sa isang araw problema na iyon. Magtatatalak na ang kanyang manager noong si Alfie Lorenzo.

Aminin natin na may panahong nahawakan ni Juday ang box office. Noong panahong ang ginagawa niyang mga pelikula ay kasama sina Wowie de Guzman, Piolo Pascual, Rico Yan at iba pang mga youngstar din, aba ang pelikula ni Juday hit sa takilya.

Ang napansin namin, noong medyo umiba na ng diskarte si Juday sa pamimili ng kanyang mga pelikula, roon na nagsimula ang problema. Tatlong pelikula lang naman ang masasabing talagang flop sa mga ginawa ni Juday. Una iyong Ploning, ikalawa iyong Kusina, at ngayon iyang Mindanao.

Kung pag-aaralang mabuti ni Juday, mas magtatagal ang kanyang career bilang isang artista kung gagawa siya ng mga pelikulang kumikita. Iyang mga ganyang mga pelikula “personal trip” lang iyan dahil nasasabing magaling ka, pero rito sa atin basta hindi ka kumikita wala ka na ring career kahit na may pelikula ka pa.

Hindi lang si Juday ang nagkaganyan. Maraming sumikat na pagkatapos nag-ambisyon ng mali kasi nga gusto naman nilang masabing best actress din sila. Ang kinalabasan, puro flop na ang mga pelikula nila. Kailan kaya nila maiintindihan na mas mahalagang gumawa sila ng mga pelikulang magugustuhan ng fans nila kaysa mga kritikong ang ginagamit naman sa sinehan ay mga passes at hindi nagbabayad?

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …