Saturday , November 16 2024
dead

Chinese patay nang mahulog mula sa nasusunog na condo unit

ISANG Chinese national ang namatay nang mahulog sa nasusunog na gusali sa Malate, Maynila nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Wang Ser Siong, 64, naninirahan sa isang unit na pinag­mulan ng apoy.

Sa imbestigasyon, nabatid na nais tumakas ni Wang na planong duma­an sa balkonahe ng Unit 8E ng Legaspi Tower na matatagpuan sa 300 Roxas Boulevard  mata­pos lamunin ng apoy ang gusali dakong 5:48 pm.

Nabatid sa pulisya, nag-iisa si Wang sa yunit nang maganap ang insidente.

Sa isang video clip na ini-post sa Facebook, nakita ang biktima na nakabitin sa pasamano nang halos dalawang minuto.

At nang kumalat ang apoy, nakabitiw ang bik­tima hanggang mahulog.

Sinabi ng pulisya, matinding pinsala ang dumale kay Wang mata­pos mahulog sa four-story condo building.

Mabilis na umakyat sa ika-apat na alarma dakong 6:09 pm ang nasa­bing sunog at sina­bing under control dakong 7:40 pm. Lubusang naa­pula ang apoy dakong 9:01 pm, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng apoy.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *