UMABOT sa 16 oras ang pagbabalik ng Poong Itim na Nazareno sa Quiapo Church, ang itinuturing na pinakamalaking prusisyon sa Filipinas, na nagsimula sa Quirino Grandstand sa Ermita, Maynila bago sumikat ang araw kahapon, 9 Enero.
Tinatawag na Traslacion, ang pagbabalik ng Itim na Nazareno sa loob ng Minor Basilica o Quiapo Church, na umabot sa loob ng 16 oras, ay sinasabing pinakamabilis kompara sa mga nagdaang taon.
Pumasok ang imahen sa loob ng simbahan dakong 8:49 pm kahapon, 9 Enero, na pinangungunahan at pasan ng mga tinatawag na hijos.
Ang mga hijos ay mga boluntaryong pumapasan sa Itim na Nazareno habang nasa gitna ng ‘alon’ ng laksa-laksang deboto na naghahangad na mahawakan ang banal na imahen.
Ayon sa mga namahala, ang paglalakbay ay mabilis na nakarating sa finish line dahil sa barikada ng pulisya na inilagay sa unang hanay ng prusisyon.
Ang karosa ay idinaan sa Finance Road dakong 5:12 am, mula sa Luneta.
Noong mga nakaraang taon, ang Traslacion ay inaabot hanggang madaling araw ng susunod na araw.
Ngunit ang mabilis na pagbabalik ng Itim na Nazareno ay hindi nagustohan ng mga deboto dahil para umano itong minadali.
Sa kasaysayan, ang itim an Nazareno na may koronang tinik ay dinala sa Maynila ng mga paring Augustinian nong 1607.
PAGDAMAY SA KAPWA,
MENSAHE NI DIGONG
SA PISTA NG NAZARENO
MATUTO sa halaga ng pagdamay at hindi maging makasarili.
Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pakikiisa sa pagdiriwang kahapon ng Pista ng Itim na Nazareno.
Lalong tumitibay ang pananalig ng mga mananampalataya sa tinagal-tagal ng debosyong iniukol sa Traslacion.
Sinabi ng Pangulo, ang mga kuwento ng himala na may kaugnayan sa okasyon ay patunay na napakayaman ng relihiyon at kulturang naipamana sa atin.
Nanawagan ang Pangulo na magtulungan sa gitna ng inaasam-asam na mas magandang bukas para sa mga Filipino.
(ROSE NOVENARIO)
Mula sa bumigay
na karosa
BINATILYO, NABAGSAKAN
NG BAKALSA ULO
MULA SA KAROSA
SINAKLOLOHAN ng mga pulis ang isang binatilyong nabagsakan ng bakal sa ulo matapos bumigay ang gulong na bearing ng kanilang karosa habang kasama sa Traslacion ng Poong Itim na Nazareno nitong Huwebes.
Sa ulat, sinabi ng kinatawan ng pamilyang may-ari ng karosa na nabali ang bakal na pinagkakabitan ng bearing kaya nabagsakan ng bakal sa bumbunan ang kapatid na binatilyo na nasa ilalim ng karosa.
Agad nakapagresponde ang mga pulis na nasa paligid ng pinangyarihan ng insidente at sumaklolo rin ang isang team ng Philippine Red Cross na nasa paligid.
Isang babaeng deboto ang isinakay sa isang patrol rescue vessel nang biglang mahirapang huminga sa Carlos Palanca Bridge.