PANSAMANTALANG isasara ngayong araw ng Huwebes ang business one-stop shop ng Manila City Hall sa SM Manila, upang magbigay daan sa Kapistahan ng Itim na Nazareno.
Pinayohan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga negosyante sa Maynila na huwag nang hintayin ang deadline sa 31 Enero para mag-apply at mag-renew ng kanilang business permit.
Matatandaang una nang sinuspendi ng alkalde ang pasok sa mga trabaho ngayon sa Manila City Hall at maging ang mga tanggapan sa ilalim ng ahensiya ng gobyerno sa lungsod.
Samantala, muling ipagpapatuloy ang operasyon ng one-stop shop sa Biyernes, 10 Enero.