Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Pork’ & ‘parked’ funds negatibo sa 2020 national budget

BONGGANG-BONGGA ang pasok ng taong 2020 sa ating bansa dahil sa wakas, unang linggo pa lang ng Enero ay ganap nang batas ang 2020 General Appropriations Act na nagkakahalaga ng P4.1 trilyon.

Buong-buong pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang budget at walang nai-veto kahit ni isang kusing.

Malayong-malayo ito sa nangyari noong nakaraang taon kung saan kalagitnaan ng Abril napirmahan ni Digong ang 2019 pambansang badyet at may nai-veto pang ‘insertions’ na umaabot sa P95.3 bilyon.

Ang super delay na budget ng 2019 ay naging dahilan ng pagbaba ng halos dalawang porsiyento sa Gross National Product o GDP ng bansa at maraming proyekto at serbisyong bayan ang naapektohan dahil dito.

Kung susumahin, walang ‘pork’ at  ‘parked funds’ ang 2020 National Budget gaya ng sinasabi noon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson dahil nunca pirmahan ito ng pangulo kung mayroon siyang nakitang mali at kuwestiyonable sa budget.

Alam naman natin na Disyembre pa naratipikahan ng Kongreso at Senado ang budget at inaasahan na lalagdaan ng Pangulo bago matapos ang 2019 pero nirebisa, binasa, binusisi at pinag-aralan pa ng Pangulo ang mga probisyon nito para masiguro na tutugon sa mga programa ng gobyerno ang pagkakalatag ng budget lalo sa mga proyekto para sa edukasyon, social services at impraestruktura.

Kung ganoon, napahiya si Sen. Lacson sa pagpipilit na may pork ang 2020 National Budget dahil alam naman natin na galit at walang amor sa ‘taba’ ng budget ang pangulo.

Sa ngayon, makahihinga nang maluwag ang ating pamahalaan na maipatupad ang mga programa para sa sambayanang Filipino dahil on time sa pagiging batas ang pambansang budget.

Palakpakan naman natin at tapikin sa balikat kahit paano ang ating mga mambabatas kabilang na ang mga senador lalo ang kamara sa pamumuno ni Speaker Alan Peter Cayetano na siyang may “power of the purse” dahil sa mga record-breaking na kaganapan sa kamara pati na ang paghataw ng survey ratings ng lider nito na ngayon lang nangyari sa kasaysayan ng kamara.

Mantakin n’yo naman, nasanay na tayo sa mga kontrobersiya na nangyari noon sa kamara pero ngayon ay nakakakita tayo ng pagbabago dahil na rin sa pagkakaisa ng mga kasapi ng mababang kapulungan.

Kumbaga, seryoso ang kamara na ipatupad ang hangarin ng pangulo na ligtas at kompor­tableng pamumuhay para sa mga Filipino. Alam naman natin na sa gitna ng politika at iba’t ibang paniniwala at prinsipyo, hindi madali na magkaisa pero kung tutuusin kayang-kayang magtulungan para sa ikabubuti ng taong bayan.

Palakpakan para sa mas maunlad pang 2020 at bagong dekada para sa ating bayan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *