Sunday , April 27 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ex-Palawan Gov. Joel Reyes muling iniharap sa paglilitis ng Court of Appeals sa kasong pagpaslang kay Dr. Gerry Ortega

MULING sumungaw ang katarungan para sa mga naulila ng pinaslang na broadcast journalist and environmentalist na si Gerry Ortega.

‘Yan ay matapos baliktarin ng  Court of Appeals ang desisyon ni retired justice Normandie Pizarro na nagpalaya kay dating Palawan governor Joel Reyes noong Enero 2018.

Batay sa desisyon ng    Special Former 11th Division ng appellate court sinabi nitong: “The decision dated January 4, 2018 is hereby reversed and set aside and a new one is entered as follows: directing the Regional Trial Court (RTC) to issue a warrant of arrest against the petitioner and to conduct proceedings in criminal case No. 26839 with purposeful dispatch.”

Ang nasabing desisyon ay ponente ni Associate Justice Marie Christine Azcarraga-Jacob, na sumalungat sa ruling ni Pizarro noong 2018.

Bagamat pinalaya si Reyes ng Pizarro ruling noong Enero 2018, siya ay muling ibinalik sa Camp Bagong Diwa nang buwan ding iyon dahil sa graft conviction na inihatol ng anti-graft court Sandiganbayan.

Kaugnay ito ng maanomalyang mining permit na insyu niya noon bilang gobernador ng Palawan.

Sa pagreretiro ni Pizarro, na pinalitan ni Associate Justice Rafael Antonio Santos, nagawang baliktarin ang desisyon ng una sa pamamagitan ni Associate Justice Marie Christine Azcarraga-Jacob.

Halos ganito rin ang opinyon ni Associate Justice Maria Filomena Singh, na sumalungat din noon sa Pizarro ruling.

Sa mga pangyayaring gaya nito, naniniwala tayong, hindi natutulog ang katarungan para kay Dr. Gerry Ortega at sa kanyang mga naulila.

Padayon Court of Appeals!

                         

MAG-INGAT LABAN
SA MGA NAMBABATONG
KABATAAN SA DULO
NG LAS PIÑAS –ZAPOTE RD.,
PAPASOK SA CAVITEX

Nais po nating bigyan ng babala ang mga motoristang nagdaraan sa Cavitex mula sa Las Piñas – Zapote Road na mag-ingat sa mga kabataang nambabato ng kotse.

Ilang biktima na po ang nagsumbong sa inyong lingkod.

Madalas na lumalabas ang mga kabataang nambabato kapag kumakagat ang dilim.

Para silang mga ‘asuwang’ na hayok makapanakit ng kapwa, lalo ng mga motorista.

Nanawagan rin po tayo sa Las Piñas police na magtalaga ng kanilang mga operatiba o traffic enforcer sa nasabing area para po sa kaligtasan ng mga motorista at commuters.

Paging Las Piñas police chief, Col. Simnar Gran! 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *