PABOR sa China at Russia sa pagpaslang ng Amerika kay Iranian General Qassem Soleimani at mga kasama niyang mga opisyal ng Iran at Iraq sa Baghdad airport kamakailan.
Ito ang inihayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa isang kalatas.
Aniya, ang mga bansa sa Gitnang Silangan na kinondena ang ‘multiple murder’ na iniutos ni US President Donald Trump laban sa grupo ni Soleimani ay tiyak na hihingi ng suporta sa China at Russia.
Maghuhudyat aniya ito nang tuluyang pagbagsak ng US imperialism.
Paliwanag ni Sison, bukod sa multiple murder, ang hayagang pagyayabang ni Trump na siya ang nag-utos ng pagpatay kay Soleimani at mga kasama ay paglabag sa international law dahil sa paggamit ng dahas laban sa soberanya ng Iraq at Iran.
Labag din aniya sa batas ang Amerika ang ginawa ni Trump dahil ipinagbabawal ang paglulunsad ng “aggressive act” nang walang deklarasyon ng giyera na awtorisado ng US Congress.
“As the No. 1 terrorist in world history and contemporary times, US imperialism has committed acts of aggression, destroying the lives and properties of millions of people, even without the formal declaration of war. Imperialist aggression is the worst kind of terrorism which the people suffer and abhor,” ani Sison.
Taliwas aniya sa pagbabansag ng mga kakampi ni Trump na terorista si Soleimani, ang Iranian general ay kilalang master strategist laban sa mga teroristang grupo gaya ng Islamic State in Iraq and Syria (ISIS), Al Nusra at Al Qaeda na ginamit ng US at Israel para sakupin ang Iraq, Iran at Syria.
Naniniwala si Sison na ang ginawa ni Trump ay bilang pantakip sa kinakaharap na impeachment at upang manalo sa darating na presidential elections.
“In committing his criminal act, Trump is short-sightedly motivated by his selfish desire to overcome his current impeachment and to win the next presidential elections through warmongering and arousing the jingoistic sentiments that favor US imperialism,” ani Sison.
Ang “criminal act” ni Trump, giit ni Sison, ay magreresulta ng pagkawala ng trilyong dolyares sa gastusing militar at lalong pagkabaon sa utang ng Amerika.
“In accordance with its own original intent, US imperialism will commit further terrorist acts of aggression as in the Middle East. It will continue to lose trillions of dollars in military expenditures without being able to expand stable economic territory. The US public debt will increase at an accelerated rate even as the US military industrial complex profits,” dagdag ni Sison.
(ROSE NOVENARIO)