NAKATAKDANG pirmahan ngayong hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.1 trilyong national budget para sa kasalukuyang taon.
Ang paglagda sa 2020 budget ay gaganapin ngayong 4:00 pm sa Palasyo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, naantala nang isang linggo ang pagpirma sa 2020 budget dahil binusisi nang husto ng Pangulo ang lahat ng probisyon nito.
“This President is a lawyer so he knows what is unconstitutional or not so he decides for himself,” aniya. (ROSE NOVENARIO)