Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Maligayang Pasko’ sa Clark International Airport na dinagsa ng illegal entrants na Indian nationals

WALA raw makapapantay sa ‘masaya at masaganang’ Pasko na naranasan ng mga taga-Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA).

Bakit ‘kan’yo?

Aba, ‘e dumagsa pala ang Indian nationals sa nasabing Airports, kahit sila ay illegal entrants.

For your information (FYI) Immigration Commissioner  Jaime “Bong” Morente, puwede po ninyong mai-check sa airline’s manifesto ang mga sumusunod na pangalan.

Noong  21 Disyembre 2019, dumating sa bansa ang dalawang Indian nationals na sina Rashpal Ram at Jaswant Singh, sakay sila ng Tr386 na lumapag sa Clark International Airport (CIA) sa Angeles City.

Kasunod nila sina Gurtek Singh, Harwinder Singh, at Vipin Kumar. Sakay din ang tatlong ‘yan ng Tr386 na lumapag naman sa Clark International Airport noong 31 Disyembre. Lahat sila ay Indian nationals pero illegal entrants.

Mayroon din tayong natanggap na tip na pito pang Indian nationals ang inaasahang darating nitong 2 Enero 2020 sakay ng Tr386 ngunit tila hindi sila natuloy.

Sa kasalukuyan umano ay nakabinbin pa sa Singapore sina Jaswinder Singh, Nardeep Gill, Jagwinder Singh Gill, Rajanvir Singh, at Surjit Singh.

Ilan lang po iyan sa monitored illegal entrants, ‘e paano kaya ‘yung mga nakalusot na?!

Dinaragsa ngayon ang CIA dahil nagsara (meaning, naghigpit sa iba pang airports) kaya roon dumaragsa ang Indian nationals na illegal entrants.

Ang tanong: sino ang nagmamaniobra para makapasok sa bansa ang illegal entrants na Indian nationals?!

Hindi kaya naramdaman ni Commissioner Jaime Morente ang mga ‘bukol’ sa ulo niya?!

Arayku!

Ayon mismo sa mga insider, halos P80,000 kada ulo ng Indian national ang pumapasok sa bulsa ng mga promotor para makapasok ang illegal entrants.

Kaya nakapagtataka pa ba kung bakit tahimik na tahimik ang BI sa CIA?

Mukhang hindi lang nagmantika kundi talagang umagos ang mantika sa mga nguso ng ilang taga-BI diyan sa Clark?!

Hindi kaya naamoy ni Commissioner Morente ang ‘kambing’ na tila may dalang ‘Olive oil’ sa rami ng mga nakalusot na illegal entrants?!

Commissioner Morente Sir, nariyan na po ang pangalan ng illegal entrants. Madali na ninyong mate-check ‘yan sa manifesto ng Tigerair from Singapore to Angeles City.

Aksiyon na lang po ng BI main office sa Intramuros, Maynila ang kailangan.

Aasahan po namin ‘yan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *