Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Seth, napahanga sa makapamilya ni Andrea

NATUTUWA si Seth Fedelin na nakakatrabaho at naging ka-loveteam niya si Andrea Brillantes sa top-rating drama series ng ABS-CBN 2 na Kadenang Ginto. Noong hindi pa kasi siya artista ay crush niya na ang young actress.

Kahit crush ni Seth si Andrea, wala pa siyang balak na ligawan ito.

“Sa ngayon po, kinikilala ko pa po siya. Months pa lang po kasi kaming magkasama, eh, wala pang taon. Alam kong mayroon pa akong hindi nakikita sa kanya. Lahat naman tayo, hindi puro maganda ‘yung ginagawa natin, so, mayroon tayong mga kasalanan.

“So, gusto kong makita sa kanya ‘yung totoong siya. Lagi kong sinasabi sa kanya na, huwag mong gawin ‘yan para ma-impress ako sa ‘yo. Gusto kong makita ‘yung totoong Andrea Brillantes, which is nakikita ko naman sa kanya, ‘yung nagpapakatototo siya. Kasi roon ka minamahal, eh. Hindi ka mamahalin ng tao kapag peke ka,” sabi ni Seth.

Patuloy niya, ”First impression ko sa kanya, hindi pa ako artista, nasa loob pa lang ako ng Bahay Ni Kuya is mataray, ganoon, hindi ako papansinin. Pero nagkamali ako, kasi mapagmahal siya sa pamilya niya, kitang-kita ko ‘yun. Ginagawa niya lahat. Ang trabaho niya, inaayos niya para sa pamilya niya. 

“Ngayon, nagpapagawa siya ng bahay, tapos gusto niya, lahat ng pamilya niya roon titira. Ganoon ang gusto ko, eh. Nakikita ko sa babaeng ‘yun, mapagmahal sa pamilya, mabait, may takot sa Diyos. Kaya kumbaga, siya na, eh. Malay po natin. Siguro naman walang mali, nagmamahal ka lang naman. Ang mali kapag hindi ko muna kinilala,” aniya pa.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …