Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz Liza Soberano Enrique Gil
Ogie Diaz Liza Soberano Enrique Gil

Puwet ni Enrique, nahawakan ng masahista

NEGOSYANTE na rin ngayon si Liza Soberano. Nagtayo siya ng spa, na tinawag niyang Hope..Your Wellness Ritual. Dalawa na ang branches nito. Ang isa ay sa may Tomas Morato at ang isa ay sa Filinvest Alabang, na kamakailan ay ginanap ang blessing. Dumalo ang boyfriend at ka-loveteam niyang si Enrique Gil, manager na si Ogie Diaz, at ang kaibigan na si Robi Domingo.

Na-interview ni Ogie si Enrique para sa kanyang vlog. Dahil nga naroon sa blessing ng spa ang young actor, ipinakita lang nito na supportive siyang boyfriend kay Liza. Tinanong ni Ogie si Enrique kung gaano ito ka-supportive kay Liza.

Sabi ni Enrique,  ”Sobrang supportive. Kahit anong dreams niya, kahit anong gusto niyang gawin sa career niya, naroon po ako.”

And since spa ang business ni Liza, tinanong ni Ogie ang aktor kung na-experience na ba nitong magpa-massage ng hubo.

“Oo, sa The Farm,” sagot ni Enrique na natatawa. ”Ewan ko pero parang hindi ako sanay. Minsan paglabas ko naka-brief pa ako. Tapos ‘yung mga babae roon, ‘yung mga masahista, sabi, ‘sir tanggalin ninyo po ‘yan (brief). May provided na short.’ Basta, parang ang weird ng feeling,” natatawang sabi pa ni Enrique.

Sabi ni Ogie, ang suwerte raw ng masahista na namasahe ang puwet ni Enrique.

“Oo nga, eh,” tawa na naman ni Enrique.

Na-experience na rin ba niya ‘yung tinatawag na spakol? ‘Yung mamasahihin tapos ima-musturbate ng masahista?

“A, hindi.  Hindi pa,”natatawa na namang sagot ni Enrique.

“Actually, may ginawa kaming pelikula before, kami nina Xian (Lim), Enchong (Dee), Kean (Cipriano), ‘yung ‘The Reunion.’ We had this, ‘yung cast bonding. Sabi ni Direk, ‘tara may pamasads doon, ako na bahala, pamasahe tayo.’ Nauna pa nga akong pumasok doon (spa). Tapos noong nasa loob na ako ng cubicle, mayroon na ngang ganoon (spakol). Sabi ko sa masahista, ‘No, no, ‘yung normal massage lang,’” natatawa na namang kuwento ni Enrique.

MA at PA
ni Rommel Placente

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …