Monday , December 23 2024

Sa Ampatuan massacre… ‘Guilty’ vs akusado

INAASAHAN ngayong araw ang hatol sa mga akusado sa Ampatuan massacre.

Ayon kay Maguin­danao Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu, sana’y “guilty” ang maging hatol sa pumatay sa 58 katao kabilang rito ang 32 kagawad ng media.

Ngayong araw ay babasahan ng hatol ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Jocelyn Solis-Reyes ang mga akusado sa Ampatuan massacre.

“Imposibleng walang makuhang maramihang guilty verdict lalo sa major suspects maging sa mga nagplano. Positibo kami roon,” ani Mangu­dadatu na namatayan ng asawa sa naturang insi­dente na nangyari noong 23 Nobyembre 2009.

Ang asawa at kapa­tid ni Mangudadatu at mga kagawad ng media ay patungo sa tanggapan Commission on Elections (Comelec) sa nasabing bayan para ihain ang kanyang certificate of candidacy (COC) nang harangin ng mga tauhan ni Ampatuan, ang mayor ng lugar sa panahong iyon.

Ang Ampatuan massacre ay itinuring na pinaka-karumaldumal na krimeng nagawa sa hanay ng media.

Ang mga pangu­na­hing suspek sa nasabing krimen ay Andal Ampa­tuan Sr., nauna nang pumanaw; at dalawang anak na si Andal Ampatuan, Jr., at Zaldy Ampatuan at mga tauhan nila.

Matapos ang 10 taong paglilitis, ibababa na ang hatol sa mga akusado, pawang nakakulong  sa Quezon City Jail Annex, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

“Kung anoman ang pasya, irerespeto ko. Pero handa kaming umapela kapag ‘di nakuha ang hustisya,” ani Mangu­dadatu.

ni GERRY BALDO

ZALDY AMPATUAN
INILABAS SA OSPITAL
PARA SA PROMULGASYON

INILABAS na sa Makati Medical Center (MMC) si dating Autonomous Region in Muslim Min­danao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan kaha­pon ng hapon at inaa­sahang haharap sa pagbasa ng hatol ngayon.

Bantay sarado ng mga tauhan ng Makati City Police -Special Weapons and Tactics at Bureau of Jail Management Penology (SWAT-BJMP) ang loob at buong paligid ng MMC para masiguro na makadadalo sa promulgasyon ng kasong multiple murder sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC).

Nakalabas si dating ARMM Governor sa likurang bahagi ng pagamutan sa Dela Rosa St., ng nasabing lungsod dakong 2:03 kahapon ng hapon.

Naka-wheel chair, naka-mask, at nakasuot ng sombrero nang ilabas sa pagamutan at isinakay ng mga tauhan ng BJMP sa isang nag-aabang na air conditioned Asian Utility Vehicle (AUV).

Nasa limang behi­kulong convoy patungo sa detention cell ni Ampatuan sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Dumating ang convoy sa naturang kulungan dakong 2:17 pm at sinabing handa na sa promulgation ngayong araw Disyembre 19.

Una nang ipinag-utos ni QCRTC Judge Jocelyn Solis Reyes ng Branch 221 na dapat maibalik na sa kulungan si Ampatuan sa Camp Bagong Diwa bago ang nakatakdang pro­mulgation nito.

(JAJA GARCIA)

 

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *