HINIMOK ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, ang hepe ng House Committee on Constitutional Amendments, na maging bukas sa panukalang baguhin ang Saligang Batas lalo ang nga probisyong pang-ekonomiya.
“I hope that senators instead of just saying that it (Charter change) is doomed, (that) it’s not a priority, should go into each and every proposal. Are they good for the country or not? That is the main issue there,” ani Rodriguez sa panayam sa mga reporter ng Kamara.
“That is what I am going to appeal to our senators. Keep an open mind, accept our proposals once the plenary and constitutional assembly is constituted,” dagdag niya.
Dapat aniyang magdesisyon ang nga senador kung pabor sila sa pagbubukas ng ekonomiya sa dayuhang puhunan.
Napapanahon aniya na pag-usapan ng mga senador kung pabor sila sa panukalang isang boto lamang para sa presidente at bise presidente at kung pabor din sila sa pagboto sa mga senador sa bawat rehiyon.
“You have to discuss that. You cannot just say that it’s not a priority and so forth. These are the issues that should be tackled and commented on by our good senators,” giit ni Rodiguez.
Naunang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na wala sa radar ng Senado ang Cha-Cha.
Ang komite ni Rodriguez ay umaksiyon na sa pag-amyenda sa saligang batas noong nakaraang linggo. (GERRY BALDO)