Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa yearly Hataw Christmas Party… Sir Jerry Yap pinalakpakan at pinasalamatan sa kabaitan at sobrang generous

Muling idinaos nitong Linggo sa Mansion Fortune Seafood Resto sa M.Y. Orosa St., ang Christmas party ng pahayagang ito, ang Hataw D’yaryo ng Bayan No.1 sa Balita. At tulad noong mga nakaraang taon ay marami na namang ipinamigay na home appliances, cellphones, camera at iba pang gadgets sa round 1 and 2 na pa-raffle ng aming butihing publisher na si Sir Jerry Yap sa lahat ng kanyang mga empleyado kasama ang editorial staff ng Diyaryo Pinoy, staff ng businesswoman daughters ni Sir Jerry na si Ms. Dianne Yap, owner ng popular na flower shop na Petalier, at si Ms. Grace Yap-Rosopa and hubby Rafael Rosopa, the owners of Tio Paeng’s and Juan G., and of course the entertain­ment press and photographers.

Nagsilbi uling host ng yearly event ay sina Ms. Karla Orozco at Niño Aclan, katuwang din si Ms Karla ng sister na si Ms. Pat, bilang punong abala sa nasabing Christmas party.

Bukod sa bumaha ng raffle, pagkain na sea­food galore at inumin, ay walang umuwing luhaan sa fabulous na pakimkim ni Sir Jerry sa amin sa entertainment media at iba pa.

Dahil sa kanyang kabaitan at pagiging generous ay pinalapakan ng lahat sa party ang minamahal naming si Sir Jerry. At bukod sa pamil­ya ni Sir Jerry ay present din sa okasyon ang aming beloved managing editor dito sa Hataw na si Ma’am Gloria Galuno at Ms. Maricris Nicasio na entertainment editor ng pahayagang ito.

Ang Clique 5 at Belladonas courtesy of our collegue Dominic Rea ang nag-perform at nagpasaya sa lahat ng bisita, na masayang-masaya sa blessings na tinanggap mula kay Sir Jerry Yap.

Maligayang Pasko love naming Sir Jerry. Mwah!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …