BINAWIAN ng buhay sa ospital ang isang pulis-Maynila makaraang atakehin sa puso habang lulan ng kanyang motorsiklo papasok sa trabaho sa Tondo, Maynila kamakalawa ng umaga.
Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD), kinilala ang biktimang si P/Lt. Raul Imperial na papunta sa MPD Police Station 5 nang atakehin habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Chesa St., Tondo dakong 5:30 am.
Isang concerned citizen ang nakakita kay Imperial nang bumagsak sa kalsada.
Mabilis na naisugod ng concerned citizen si Imperial sa Manila Johnston Hospital pero hindi naisalba ang kanyang buhay.
Nabatid sa mga kasamahan at kaibigan ng pulis, bago pa lamang natatanggaap ang kanyang promosyon bilang tenyente nang atakehin sa puso.
(BRIAN BILASANO)