Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
karla estrada jam ignacio daniel padilla

Daniel, sekyu ng inang si Karla

POSIBLE raw ikasal na si Karla Estrada sa kanyang syotang si Jam Ignacio.

Ayon kay Daniel, iba ma-in love ang kanyang ina na malaki ang value ng kasal.

Nakita na niya si Jam pero hindi naman ito nangangahulugan na tanggap na niyang makarelasyon ng ina. ‘Ika nga, under observation pa siya sa pagkatao ng syota ng ina.

Aniya, bilang panganay sa magkakapatid ay naroon siya sa lahat ng relationship ng kanyang ina. In fairness, inamin nito na hindi lahat ng klase ng kaligayahan ay maibibigay sa kanyang ina.

Pero ayaw naman nitong maging kontrabida sa kaligayahan ng ina. Ayaw nitong sirain dahil may bagay siyang hindi maibibigay sa ina.

“Ayaw kong maging kontrabida. Pero at the same time, on the look lang ako, I’m just hovering.

I’ve heard… marami na akong narinig, marami na rin akong nakita at lahat ng pinakamasasaya, lahat ng pinakamalungkot, nakita ko na sa ermat ko, eh.

“Masaya lang ako kay Mama ngayon dahil, yeah, she’s very happy and I think, yeah, she’s in love… that’s good.”

Aniya, pag-ibig ang bumabaliw sa kanyang ina pero ibang level ‘yung sa kanyang ermat na umaming namana niya. “Sa kanya ko naman namana, nababaliw kapag in-love.”

Ayon sa kanya, ang kanyang ina ang tumayong nanay at tatay sa kanila kaya ang hirap ikompara sa isang lalaki.

“Siguro kailangan niya ng mas tamed na lalaki. Kasi masyadong mataas ermats ko, eh. Masyado siyang mataas.Hindi niya puwedeng sabayan kasi hindi niya kakayanin, eh. Para balanced lang silang dalawa.

“Nakikita ko naman kay Jam na ganoon naman siya and sa ngayon, nakikita ko naman nagri-reach out siya. Kasi last time, noong birthday ni Mama, tulog na lahat, nandoon kami sa bahay ko, dumaan siya roon, saglit siya.

“Malaking bagay ‘yun bilang lalaki dahil siyempre, ipinakikita mo ‘yung totoo, pero I’m not saying ayos na. Ha-ha-ha! pahayag na may kaunting biro. Kaya palaging on the look out ang aktor kaya siya raw ang number one security ng ermat nito,” mahabang esplika ni Daniel.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …