Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bukas na liham para kay Pangulong Rodrigo Duterte

Dear President Rodrigo Duterte,

Magandang araw po sa inyo at binabati ko po kayo at ang inyong Pamilya ng advance Pasko.

Mr. President sumasaludo po kami sa inyong achievements bilang pangunahing lider ng Republika lalo sa isyu ng droga na bukod sa mga naisalba ninyong mga adik sa droga at pushers ay maraming taxi driver kayong nailigtas sa kamay ng mga holdaper. Dahil magmula nang kayo ang maging Pangulo ng bansa ay nabahag ang buntot sa inyo ng mga salot na hold-upper. Kayo rin ang nagpataas ng suweldo ng mga pulis at mga guro.

Pero mahal na Pangulo, in behalf of my co-entertainment press, isa po ako sa nalulungkot sa mga matatalim ninyong pahayag tungkol sa renewal ng number one TV network na ABS-CBN na magtatapos sa Marso 2020.

Ayon po sa inyong matatalim na pahayag Pangulong Duterte ay huwag nang umasa ang Kapamilya network na mare-renew pa ang kanilang franchise dahil pipigilin o haharangin ninyo ito. Ang pahayag at desisyon po ba ninyong ito ay magpapasaya sa inyong puso?

Huwag na po sa mga arista dahil puwede silang kumita sa ibang paraan. Paano po ang mahigit 10,000 employees ng estasyong balak ninyong ipasara. Kaya bang maatim ng inyong puso na pabayaan sila at makitang mawalan po silang lahat ng trabaho dahil sa personal ninyong galit sa network? Paano po ang future ng kanilang mga anak?

Hindi po ba, ang lider ng isang bansa na gaya ninyo ang magpoprotekta sa kanyang con­­stituents? Kung mayroon pong nagawang mali o kasalanan ang ABS-CBN sa inyo Pres Duterte, ang inyong ipinupunto ay hindi inilabas ng Kapamilya network ang inyong political ad noong 2016, na amin naman pong napanood ay may proseso po para riyan at may batas din po tayo at puwede ninyong kasuhan ang Marketing Arm ng estasyon, pero ‘yung hatol po ninyo na huwag nang i-renew ang kanilang franchise ay parang hindi po tama at katanggap-tanggap na parang hina-harass po ninyo ang ABS-CBN.

“By airing the said commercial, ABS-CBN

is being consistent with COMELEC guidelines, which prohibit radio or television stations to discriminate in the sale of air time against any political party or candidate. We are duty bound to air a legitimate ad,” ito ang statement ng ABS-CBN na lumabas sa Inquirer.net noong May 6, 2016.

So, kung ang GMA ay nakapag-renew ng kanilang franchise nang another 25 years, hindi ninyo po ba puwedeng ibigay ito sa ABS-CBN?!

Isa pala sa nakikipaglaban sa renewal ng franchise ng ABS-CBN ay si Lipa Rep. Vilma Santos. Sana Mr. President ay manaig po ang pagmamahal sa inyong puso.

Lubos na Gumagalang,
Peter Ledesma
                          Kolumnista

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …