Monday , April 28 2025

Sa closing rites ng SEA Games… Bayaning si Casugay flag bearer ng PH

NASUKLIAN ang kabayanihan ni Roger Casugay matapos mapili bilang flag bearer ng Filipinas sa gaganaping 2019 SEA Games closing ceremonies sa New Clark City Stadium sa Capas, Tarlac, ngayong araw.

Ito ay ayon sa anunsiyo ni Team Philippines chef de mission at Philippine Sports Commission Chairman William “Butch” Ramirez.

“By sacrificing his chance for a gold to save an opponent, he embodies the true essence of being a sport man,” ani Ramirez.

“These Games are not only about medals. It is about character, resilience, love for one another and shoring up the faith of the person next to you, something that Casugay has exemplified.”

Matatandaang noong nakaraang linggo ay kinilala si Casugay nang isantabi ang tsansa para sa gold medal sa ginanap na semifinals ng surfing upang sagipin ang Indonesian na si Arip Nurhidayat na nawasak ang board sa kalagitnaan ng kompetisyon.

Umani ng papuri ang ginawang kabayanihan ni Casugay na higit pa sa gintong medalya kung maituturing.

Maging ang Indonesia president na si Joko Widodo ay humanga sa karakter ng Filipino surfer.

“Winning the competition and upholding sportsmanship is important, but humanity is above all,” ani Widodo.

“My appreciation for Roger Casugay, a Filipino surfer who gave up the golden opportunity to help Indonesian athletes who fell in the race. Greetings from Indonesia.”

Kalaunan, nagwagi pa rin ng gintong medalya si Casugay nang talunin ang kababayan na si Jay-R Esquivel sa finals ng long board surfing event sa San Fernando, La Union.

Si Casugay ang magwawagayway ng bandila ng Filipinas sa engrandeng closing ceremonies sa 20,000-seater athletics stadium.

Noong opening ceremonies ay mga kilalang atleta na sina gymanst Caloy Yulo, billiard player Rubilen Amit, skater Margie Didal, pole vaulter EJ Obiena, boxers Nesthy Petecio at Eumir Marcial, jiu-jitsu artist Meggie Ochoa, at judoka Kiyomi Watanabe ang nagsilbing flagbearers ng bansa.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *