Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hipon girl, tinapatan at tinalo si Julia Barretto

PUWEDENG sabihing a ‘star is born’ sa katauhan ni Herlene Budol na mas kilala sa tawag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame, ang Wowowin dahil may ibubuga pala ito sa pag-arte.

Sa kanya ipinagkaloob ang isang mahalagang papel sa Magpakailanman bilang OFW na umibig sa kanyang Egytian boss na may pamagat na Dubai & I.

Ang balita, hindi nagpadehado sa Maalala Mo Kaya ni Julia Barretto si Hipon Girl.

Nang malaman ni Hipon girl na makakatapat niya si Julia sa MMK ay sobra itong na-intimidate. Pero hindi iyon naging dahilan para magpatalo siya sa acting. Nakipag-agawan ito sa rating na ang ibig sabihin, puwede na siyang ilaban kay Julia.

Base sa lumabas na rating noong November 30 mula AGB Nutam, nakakuha ang Magpakailanman ng 10.9% samantalang 8.1% naman ang MMK ni Julia.

Base naman sa Kantar Media, nakakuha ang Magpakailaman ng 17. 5% at ang MMK ay 16.7%.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …