Wednesday , December 25 2024

Sa hosting ng SEA Games… Delegadong dayuhan hats off sa PH

PATULOY na umaani ng papuri at pasasalamat mula sa sports officials at atletang dayuhan ang pagho-host ng Filipinas sa 30th SEA Games.

Partikular dito ang pag-iral ng pusong Pinoy kahit kapalit nito ang siguradong pagkapanalo ng gintong medalya.

Todo-todo ang pasa­salamat ng Indonesian Sports officials sa Fili­pinas lalo sa Pinoy surfer na si Roger Casugay ma­ta­pos niyang iligtas ang karibal na Indonesian surfer na si Arip Nhuri­dayat habang naglalaban silang dalawa sa isang surfing event sa Monaliza Point sa La Union.

Nangunguna sa kompetisyon si Casugay ngunit isinantabi niya ang panalo para sa gintong medalya para binalikan si Arip hanggang ligtas na naibalik sa Pampang.

Todo-todo rin ang pasasalamat ng koponan ng Timor Leste sa mga Pinoy dahil sa suporta para manalo ang koponan ng medalya sa palaro.

Sa pinakahuling medal tally, ang Timor Leste na lamang ang hindi pa nakasusungkit ng medalya sa SEA Games.

Marami sa sports officials at atleta ng Timor Leste ang nakatira nang libre sa Philippine Sports Athlete’s dormi­tory sa Pasig. The hos­pitality has been amazing. Everyone has been great to us,” ayon kay taekwondo athlete Jennifer Lay.

Pinuri ni Thailand lawn bowl coach Daniel John Simmons ang pasilidad sa Clark Free­port, isa sa mga venues ng lawn bowl com­petition.

Ayon kay Simmons, nakabibilib ang ginawa ng Filipinas na isang world-class sports facility sa loob lamang ng 40 araw.

“Traditionally, to put up a facility like this would usually take 18 months but they have managed to put it up for only 40 days and to have this support and all of these things for Lawn Bowl in the Philippines is marvelous,” ayon kay Simmons.

Sinabi ng Malaysian official na si Abdul Kader, director general ng Inter­national Sepak­takraw Federation, naka­ma­mang­ha ang Sepak Takraw venue sa Subic gymnasium at tinawag niya itong pinaka­magan­dang Sepak Takraw venue sa kasaysayan ng SEA Games.

Maging ang Olympic gold medalist swimmer na si  Joseph Schooling ay napabilib sa kanyang naging karanasan sa 30th SEAG.

“It’s awesome. It’s amazing. There is so much energy,” ani schooling.

Ipinagmalaki rin ng swimmer ang kanyang yaya na isang Pinay na 10 taong naninilbihan sa kanyang pamilya.

Maging ang SEA Games first timer event na E-Sports ay umani rin ng papuri.

Ang venue sa San Juan ay balot ng iba’t ibang ilaw, smoke machine, at grabe ang hiyawan ng mga mano­nood.

Ayon kay Benjamin Assarasakorn ng Thailand E-Sports Fede­ration, ang “landmark hosting” ay dapat tularan ng ibang bansa sa Asya kung paano tatratohin ang E-Sports.

“This will leave a legacy for the SEA countries, it’s our job to live up to the expectations that the Philippines has set.”

Bukod sa mga naturang papuri ng iba’t ibang delegasyon, sinabi rin ni Olympic Council of Asia Vice President Wei Jizhong, handa na ang Filipinas para sa mas malaking sports events dahil sa magandang pagho-host ng 30th SEAG kaya hinikayat niya ang Filipinas na lumahok sa bidding para sa 2030 Asian Games.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *