Saturday , November 23 2024
30th Southeast Asian Games SEAG
30th Southeast Asian Games SEAG

Foreign delegates, napa-wow sa SEA Games hosting ng PH

TINGNAN mo nga naman ang buhay, habang ang iba nating kababayan ay walang tigil sa pagpuna at pamba-bash sa SEA Games, patuloy naman ang pag-ani ng papuri at pasasalamat ng Filipinas sa pagho-host ng 30th SEA Games mula sa sports officials at atletang dayuhan.

Viral ngayon ang kabayanihan ni Pinoy surfer Roger Casugay matapos niyang iligtas ang karibal na Indonesian surfer na si Arip Nhuridayat. Naputol ang tali ng surf board ni Nhuridayat kaya nahampas siya ng malalaking alon sa Monaliza Point sa La Union.

Mantakin n’yo naman, abot-tanaw na ni kabayan Roger ang gintong medalya pero binalikan niya si Nhuridayat at iniligtas hanggang makarating sa pampang. Kaya naman ang Indonesian Sports officials at mga atleta ay kontodo pasasalamat kay Roger. Pumaibabaw ang pusong Pinoy. Wow na wow!

Ang koponan ng Timor Leste, walang pagsidlan ang kanilang pasasalamat sa Filipinas dahil sa cheering ng ating mga kababayan na makakuha ng medalya ang Timor Leste sa SEA Games.

Sa latest medal tally kasi na dinodomina ng Team PH, tanging ang Timor Leste ang hindi nakakukuha ng medalya maski tanso. Kaya ang sigawan ng mga Pinoy ay “Go Timor Leste” kapag lumalaban ang koponan.

Siyempre pa, inuulan din ng papuri ang sports facilities na ipinatayo ng Digong admin para sa 30th SEA Games lalo ang world-class sports stadium at aquatic center sa New Clark City sa Tarlac.

Pinuri ni Thailand lawn bowl coach Daniel John Simmons ang pasilidad sa  Clark Freeport, isa sa venues ng lawn bowl competition.

Ayon kay Simmons, nakabibilib ang ginawa ng Filipinas na isang world-class sports facility sa loob lamang ng 40 araw.

Sinabi ng Malaysian official na si Abdul Kader, director general ng International Sepaktakraw Federation, na nakamamangha ang Sepak Takraw venue sa Subic gymnasium at tinawag niya itong pinakamagandang Sepak Takraw venue sa kasaysayan ng SEA Games.

Maging ang Olympic gold medalist swimmer na si  Joseph Schooling ay napabilib sa kanyang naging karanasan sa 30th SEAG. Awesome daw ang energy sa 30th SEA Games. Ibinida niya ang kanyang yaya na isang Pinay at 10 taon naninilbihan sa kaniyang pamilya.

Pati ang SEAG first timer event na e-Sports ay umani rin ng papuri. Ang venue sa San Juan ay balot ng iba’t ibang ilaw, smoke machine, at hiyawan ng mga manonood.

Ayon kay  Benjamin Assarasakorn ng Thailand E-Sports Federation, ang ‘landmark hosting’ ay dapat tularan ng ibang bansa sa Asya kung paano tatratohin ang e-Sports.

Ngayon pa lang, nais na nating batiin ang ating mga organizers, sports officials at lalo ang mga atleta dahil sa napakagandang performance sa SEA Games.

Sa mga nangyayaring ito, ‘wag na tayong magtaka kung talagang lalahok ang Filipinas sa bidding ng 30th Asian Games. 

Si Olympic Council of Asia Vice President Wei Jizhong na mismo ang nagsabi na handa na ang Filipinas para sa mas malaking sports event dahil sa magandang pagho-host ng 30th SEAG.

Kaya, let’s get ready to rumble!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *