Saturday , November 16 2024

Nakaprotestang mga balota nawawala… Kampo ni Lino Cayetano magnanakaw ng boto?

PINAIIMBESTIGAHAN sa Com­mission on Elections (COMELEC) ang pagkawala ng mga balota na nakalagak sa Taguig City Hall auditorium na sakop ng isang election protest laban kay Taguig Mayor Lino Cayetano.

Ang ilegal na paglili­pat ng nakaprotestang balota ay pinaniniwalang isang desperadong hak­bang ng kampo nina Caye­tano dahil sa lumu­tang na ebi­densiyang magpapatunay sa naga­nap na malawakang dayaan sa nakaraang halalan sa lungsod.

Noong 25 Nobyem­bre, naghain si Atty. Maria Bernadette Sardillo, abogado ni dating Taguig 1st District Rep. Arnel M. Cerafica, na nakatunggali ni Cayetano sa mayoral race, ng Manifestation of Grave Concern sa Comelec Second Division upang paimbestigahan ang pagkawala ng mga balota sa city hall.

Bagama’t walang kaukulang kautusan mula sa COMELEC at notice sa kampo ni Cera­fica, noong 20 Nobyembre ay pinayagan ni City Treasurer Atty. J. Voltaire Enriquez ang paglipat ng ballot boxes sa isa uma­nong storage facility sa Brgy. Bagumbayan, Taguig.

Nang makarating ito sa kampo ni Cerafica, kanila itong ipinaberipika at napatunayang wala na ang mga ballot boxes sa auditorium.

Ito ay sa kabila ng Precautionary Protection Order ng COMELEC na inaatasan ang Taguig Election Officer na siguruhin ang integridad ng mga ballot box na nasa ilalim ng ‘safekeeping’ ng city treasurer.

Lumitaw na sumulat si Enriquez kay Taguig Election Officer, Atty. Edgar Feliciano Aringay noong 12 Nobyembre ukol sa gagawing paglilipat sa ballot boxes.

Malinaw sa batas na ang pagkuha at paglilipat ng mga ballot boxes na bahagi ng election protest proceedings ay maaari lamang desisyonan ng mga opisyal ng COMELEC o En Banc. Ito ay dapat ding may kau­kulang abiso sa nagpo­protesta

“Hindi naimpor­mahan nina Enriquez at Aringay ang COMELEC main office maging ang kampo nina Cerafica ukol sa paglilipat ng ballot boxes. Ang masama pa nito, nanahimik ang tanggapan ng Election Officer ng Taguig ukol sa paglilipat na ipinatupad ng Treasurer’s Office,” ani Atty. Sardillo.

Nagpahayag ng pag­kadesmaya ang mga residente ng Taguig sa tahasang pambabalewala sa batas ng kampo nina Cayetano. “Wala na ba talagang batas na umiiral sa Taguig? Bakit inilikas ang mga balota nang ora-orada na walang pahin­tulot ng COMELEC o abiso sa kampo ng nag­poprotesta? Kung toto­ong walang nangyaring dayaan at may kompi­yansa sila (Cayetano) sa naging resulta ng elek­siyon, bakit itinago at biglang naglaho ang mga balota,” ayon sa galit na mga residente na tu­mang­ging magpa­banggit ng pangalan.

“We submit to the sound discretion of the COMELEC should it deem it proper to impose the necessary sanction against the Office of the Election Officer and the City Treasurer,” dagdag ni Sardillo.

Naganap ang animo’y ‘pagnanakaw’ sa ballot boxes matapos ang revision, recount at re-appreciation ng mga balota sa 93 pilot clustered precincts kung saan lumutang ang ilang anomalya at iregularidad na ginawa umano ng Cayetano camp sa nakaraang 2019 election.

Kabilang sa nakitang anomalya ang pirma ng Board of Election Inspectors (BEIs) sa limang magkakaibang presinto na tila iisang tao lamang ang lumagda.

Sa isinumiteng Formal Offer of Evidence, hiniling ni Sardillo sa COMELEC na ang natitirang eighty percent (80%) ng kabuuang 458 clustered precincts ay mai-revise, recount at re-appreciate upang luma­bas ang katotohanan sa naging resulta ng elek­siyon sa Taguig.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *