Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, ‘missing’ sa, ‘ABS-CBN station ID

MAGANDA ang ABS-CBN’s Christmas Station ID na may temang “Family is Forever.” Ayon sa obserbasyon ng nakararami, ‘muy grandioso’ ang pagkagawa lalo pa’t lahat ng mga bituin ng Kapamilya ay naroon.

Kaya lang, may mga netizen ang nakapansin na wala as in, ‘missing’ si Angel Locsin na isa pa naman sa network’s biggest stars na bida sa katatapos lamang na The General’s Daughter.

Agad namang nag-post sa Instagram ang Dreamscape AdProm Manager Eric John Salut para sagutin ang katanungan ng isang netizen na nagtanong kung bakit wala ang aktres.

Ayon kay Salut, “May fever po siya noong day ng shoot.”

Hindi lang naman si Angel ang wala sa nasabing station ID, pati ang ibang cast tulad nina Paulo AvelinoLoisa Andalio and Ronnie Alonte ay wala rin.

Wala rin si Jed Madela na ayon sa kanya, hindi siya napagsabihan ukol sa schedule ng shooting. Sobrang ikinagulat niya na natapos ang shooting na wala man lang pasabi sa kanya gayung narito lang siya sa ‘Pinas.

Wala rin si Anne Curtis na ang itinuturong dahilan ay ang pagbubuntis.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …