Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maffi, posibleng masungkit ang titulong 2019 Noble Queen of The Universe-Philippines

GUEST namin si Maffi PapinCarrion sa aming TV show, The Stage Is Yours na napapanood sa EuroTV Philippines noong Martes, November 19 para i-promote nito ang 2019 Noble Queen of the Universe, isang pa-kontes na hindi lamang ganda ang criteria kundi pati ang advocacy sa buhay.

Marami ang humuhula na ang anak ni CamSur Vice Gov Imelda Papin ang mananalo dahil kinalakihan na nito ang pagtulong sa mga nangangailangan. Maliit pa lang ito’y sumasama-sama na siya sa kanyang mother dearest sa trabaho nitong pampubliko.

Bilang kandidata ay una nitong pinuntahan ang bahay ng mga batang biktima ng kanser. From there, ang Manila City Hall naman ang kanilang pinuntahan bilang courtesy call kay Mayor Isko Moreno. Nagkagulatan sila ni Yorme Isko dahil ang huli nilang pagtatagpo ay noong nasa That’s Entertainment pa sila na miyembro sila ng dating show ng namayapang si Kuya Germs Moreno.

Fourteen years old noon si Maffi at 17 naman si Yorme kaya natanong namin si Maffi kung niligawan ba siya ni Yorme? Tawanan ang lahat.

Kasama ni Maffi ang kanyang anak na si Zachary, pangalawang lalaking anak na pormang K-Pop artist dahil sa blonde nitong buhok. Ang take note, mana siya sa kanyang Lola Imelda, Auntie nitong si Aileen at sa mom nitong si Maffi.

Hindi man handa si Zack ng mga sandaling ‘yun ay pinaunlakan kaming kantahin in acapella ang Isang Linggong Pag-ibig. Fair enough, he did it well.

Aniya, puntiraya nito ang showbiz. Kaya kung may offer sa kanya ngayon, kaya nitong pagsabayin ang pag-aaral at pagsu-showbiz.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …