Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison rape

Production assistant huli sa panghahalay

SWAK sa kulungan ang isang 21-anyos production assistant matapos ireklamo ng panghahaalay sa 18-anyos dalagita kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Kinilala ang suspek na si Harold Camulo, residente sa Pampano St., Brgy. Longos, Malabon city na nahaharap sa kasong Rape in Relation to RA 7610 o Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination.

Sa ulat na tinanggap ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, nakilahok sa inuman ng magkakaibigan ang biktima na itinago sa pangalang  Shane, hanggang magpasiyang puma­sok sa kanilang bahay sa Luwalo St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) upang matulog matapos makaramdam ng pagkalasing dakong 11:00 pm.

Lingid sa kaalaman ng biktima, sinundan siya ng suspek hanggang sa loob ng silid at tinabihan sa pagtulog saka sinimulang halayin.

Hindi pa man naaabot ni Camulo ang kasukdulan nang biglang pumasok ng silid ang nakatatandang kapatid ng biktima na itinago sa pangalang “Marga” at nahuli ang lalaki sa tabi ng natutulog na kapatid.

Agad na humingi ng tulong sa Navotas Police Community Precinct (PCP)-4 ang mga kapatid ng biktima na nagresulta sa pagka­kadakip sa suspek.

Habang isinasailalim sa imbestigasyon si Camulo, inireklamo naman niya ang kapatid na lalaki ng biktima at kaibigan na sina Mar Jay Delos Santos, 22, at Neil Harvie Gil­leto, 19, na uma­no’y gumul­pi sa kanya dahilan upang arestohin din matapos ire­klamo ng physical injury. (R. SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …