Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jimmy, nagngingitngit kay Agot dahil Kapamilya?

SINAGOT ng Pagcor executive na si Jimmy Bondoc ang post ni Agot Isidro na inalmahan ang pagtapyas sa budget nito na nagtatawid ng tulong-pinansiyal sa mga tao.

Hindi lingid sa kaalaman ng ating mga kababayan na ang Pagcor ay takbuhan ng mga taong kapos at gipit.

Ani Agot, hindi raw makatwiran ang budget slash.

Saan mang tanggapan where money is involved, sandamakmak nga namang proseso ang kailangang pagdaanan bago mapasakamay ang financial aid na kaya lang ibigay nito.

Kung si Jimmy ang tatanungin, hindi raw ito red tape.

Bagama’t naiintindihan namin ang umiiral na SOP, hindi namin maunawaan ang tila pagpapamalas niya ng kapangyarihan nang hikayatin niya si Agot na subukang magtrabaho sa gobyerno.

Ito’y para mismong ang singer-actress na ang magsabing ang government service ay hindi madali.

Ang ikinawindang namin ay ang kabuntot na pahayag ni Jimmy na kung papayag si Agot ay kakausapin niya ang kanyang mga boss to take her in.

At hindi lang ‘yon sa Pagcor kundi saan pa mang ahensiya ng pamahalaan kung saan man naisin ni Agot.

Appointee lang si Jimmy ng administrasyon, mag-a-appoint pa siya?

The least na maaaring gawin ni Jimmy can do is to recommend an applicant to the proper office kung saan nababagay si Agot base sa kanyang kuwalipikasyon.

At gaano nakatitiyak si Jimmy na pangarap ni Agot magtrabaho sa gobyerno? At sa ilalim pa mandin ng Duterte government?

Ang aminin ni Jimmy, he has an axe to grind against the critics of this administration. And Agot being a Kapamilya actress whose home network is on the brink of closure ay buo na kumbaga ang equation.

Ayaw naming isipin na kaya ipinagtatanggol at binibigyang-katwiran ni Jimmy ang budget slash sa pondo ng Pagcor ay dahil sa estado niya sa buhay.

Hindi niya ramdam ang katayuan o sentimyento ng mga nagdarahop sa buhay. Wala sa talasalitaan niya ang salitang krisis.

Words like poverty, empathy and compassion do not exist in his vocabulary.

Hindi rin kaya ang pagiging Kapamilya ni Agot ang dahilan kung bakit lalong nagngingitngit si Jimmy? Remember na kung siya raw ang masusunod ay nais niyang magsara ang ABS-CBN.

Kaso ba ito ng “hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay?”

Hay, buhay.

(RONNIE CARRASCO III)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …