Thursday , December 19 2024
PARIS OF THE EAST. Pinangunahan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang inagurasyon ng bagong mukha  ng William A. Jones Memorial Bridge o Jones Bridge, na nag-uugnay sa Binondo, Ermita at Intramuros, kagabi, araw ng Linggo. Sinabi ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, ang Jones Bridge ang sumisimbolo sa pagsisikap na  ibangon at pasiglahin ang kabisersang lungsod ng bansa. Nasa larawan sina Jerry Acuzar ng La Casas Acuzar, City Engineering Office sa pangunguna ni Engr. Armand Andres, Department of Public Service (DPS) at iba pang department heads. (BONG SON)

Citizen’s arrest vs ‘mambababoy’ sa Jones Bridge

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang citizen’s arrest laban sa mag­tatangkang ‘mana­laula’ sa pinagandang Jones Bridge na nag­dudugtong sa Intra­mu­ros at Ermita sa Binon­do, Maynila.

Pahayag ni Moreno, “Be vigilant. ‘Yung mga magdudumi dito, ares­tohin ninyo, taongbayan. Hindi lang amin ito. Bilang pamahalaan, sa ating lahat ito… bilang Filipino, bilang Manile­ño. You own it.”

Idinagdag ni Mayor Isko, “‘Wag ninyong haya­an ang isang ‘tolongges’ na babuyin ang mga bagay na pag-aari natin. May kaakibat na responsibilidad sa kalayaang ating tina­tanggap.”

Sinaksihan ng tina­ta­yang 7,000 katao ang pagpapailaw sa maka­saysayang tulay na nag-uugnay sa Intramuros at Ermita sa Chinatown at Escolta Avenue.

Kasama sa pasina­ya ni Mayor Isko sina Vice Mayor Honey Lacuna, ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa pangunguna ni Secretary to the Mayor Bernie Ang.

Isa sa mga tampok na pangyayari rito ang pagbabalik ng estatwa ng La Madre Filipina sa bungad ng tulay na orihinal na pinagtayuan noong 1938.

Pinuri ni Isko, ang ginawa ni City Engineer Armand Andres, Depart­ment of Public Services chief Kenneth Amurao, at tourism chief Charlie Dungo, gayondin si   architect Jerry Acuzar, sa napakabilis na pagpa­paganda sa Jones Bridge na tinapos sa loob ng dalawang buwan.

Anang alkalde, na­ging pokus ng reha­bili­tasyon ang Jones bridge dahil ginugunita ang ika-100 taon sa ginampanang papel ng mga Kastila para mapagdugtong ang Chinese community sa Binondo, sa Intramuros, ang sentro ng pama­mahala noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.

“Sa mga kabataan na busy kapapanood ng YouTube, maganda rin mag-google kayo dahil ang hindi marunong lumingon sa nakaraan ay ‘di makararating sa paroroonan,” pang­hihikayat ni Mayor Isko.

Kaugnay nito, ang pagbabalik ng La Madre Filipina na nilikha ni Juan Arellano sa orihinal na kinalalagyan nito ay importante dahil ito ang naging piping saksi sa  Battle for Manila noong World War II.

Nabatid na may apat na eskulturang nakalagay sa magka­bilang dulo ng  pre-war Jones Bridge.  Ang isa ay nasira noong giyera, ang isa ay inilagay sa  Rizal Park at ang dalawa ay inilagay sa Court of Appeals Building sa Ermita, Maynila.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *