NGAYON din naman, ewan kung bakit nga ba pinag-uusapan na nakikita raw na may suot na identical bracelet sina Julia Barretto at Gerald Anderson. May nagsasabing iyon daw ay katunayan na ang dalawa ay may relasyon. Relasyon ba naman agad? Hindi ba puwede munang isipin na iisa lang ang nabilhan nila ng bracelet kaya identical talaga?
Si Julia wala namang inaamin sa ngayon na may relasyon sila ni Gerald. Siyempre iniiwasan pa rin niya ang issue ng “agaw boyfriend.” Pero si Gerald, inamin kay Dennis Padilla na totoong nanliligaw siya kay Julia. Nasa inyo na kung ano ang mas paniniwalaan ninyo.
HATAWAN
ni Ed de Leon