Friday , December 27 2024
PAGCOR POGOs

POGOs dapat nang pagbayarin ng tamang buwis

NGAYONG ipinasa na sa House Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda ang House Bill 5257, naniniwala tayo na malaking tulong ito sa ekonomiya ng bansa at sa malalaking proyektong makatutulong sa pagbangong ng bansa.

Batay sa House Bill 5257, limang porsiyento ang direktang ipapataw na franchise tax sa gross winnings ng POGOs at 25 porsiyento sa POGO workers na kumikita  ng P600,000 kada taon.

Bagamat sa legal na opinyon ni Solicitor General Jose Calida, hindi dapat buwisan ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), nagkakaisang ipinasa ng House Committee on Ways and Means ang panukalang patawan ng buwis ang nasabing pamumuhunan.

Sabi nga Congressman Salceda, ang opinyon ng OSG ay isang uri ng tax exemption na taliwas sa batas.

“OSG interpretation rises to the level of a tax exemption, the grant of which is intrinsically the duty of Congress,” diin ni Salceda.

Aniya, hindi bababa sa 138,000 empleyado ng POGO mula sa mainland China ay nasa mga lungsod ng Pasay, Las Piñas at Parañaque para magtrabaho at kumikita rito.

Inilinaw din ni Rep. Salceda, “The bets are made by people outside Philippines but is enabled by manpower and facilities inside the Philippines. So there is value added or income derived here therefore taxable.”

Sa basic accounting principle umnao, sinasabi na  “Costs are recognised when revenues are recognised. So aren’t the wages here costs expensed by POGOs?” 

Bakit madiin ang paliwanag ni Cong. Joey rito?

E kasi nga, sa 60 POGOs na nasa bansa, 10 lamang ang nakarehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Dalawang porsiyento ang ibinubuwis ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) bilang regulatory fee sa mga POGO imbes limang porsiyentong franchise tax.

Aniya P8 bilyon lamang ang nakokolekta ng PAGCOR sa dalawang porsiyentong ito samantala maaari silang komolekta hanggang P20-bilyon sa limang porsiyentong buwis.

Wow!

E ano pa pala ang hinihintay ng gobyernong Filipino?!

Bakit hindi unang sampolan ang mga POGO ni Kim Wong?!

Higit sa lahat, ang PAGCOR ang nakaaalam kung alin ang mga POGO na malakas magpalusot. Dahil alam nila kung sino-sino ang mga nakarehistro sa kanila.

 “‘Income derived within the Philippines is taxable,’ and since POGO is doing business in the Philippine soil and receiving protection from the government in the conduct of their business then they should be taxed.” 

Ganyan lang kasimple ang sinundang prinsipyo ng mga mambabatas kung bakit nila ipinasa ang House Bill 5257.

Ipatupad na ‘yan! 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *