Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kisses, umalis ng Dos dahil may humaharang sa career

EXPECTED na ng iba ang pag-alis sa ABS-CBN at Star Magic ng 2016 Pinoy Big Brother Second Placer na si Kisses Delavin dahil hanggang ngayon ay paputak-putak pa rin ang takbo ng karir.

Hindi na siya nakahintay kaya pumirma na ng kontrata sa Triple A management kamakailan.

Nang matanong si Kisses kung bakit nag-iba siya ng manager, ang sagot nito’y “Gusto ko lang pong mag-explore but at the end of the day, I’m always thankful for everything that I’ve achieved through the help of ‘PBB’ where I started so I’m so thankful to them.”

Ang balita, maayos naman ang pagpapaalam ni Kisses sa Star Magic at tinapos muna ang kontrata rito.

Bale kapatid na ni Kisses sa manager sina Marian Rivera, Maine Mendoza, Jerald Napoles at iba pa.

Sa kabilang banda, may tsikng wala umanong kinausap si Kisses sa mga kaibigan niya sa Kapamilya Network, lalo na ang dating ka-love team na si Donny Pangilinan, para sa paglipat ng bagong management.

Sinasabing kaya ginawa ni Kisses ang paglipat ay dahil may humaharang sa pag-usbong ng kanyang karir.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …