SARADO sa publiko ang United States Embassy sa Filipinas at konektadong mga tanggapan sa Lunes, 11 Nobyembre.
Bilang pag-obserba sa Veterans Day, itinakda itong pista opisyal o holiday sa Amerika.
Balik normal ang operasyon ng Embahada at mga konektadong opisina sa Martes, 12 Nobyembre.
Ang Veterans Day ay taunang ginugunita ng Amerika tuwing 11 Nobyembre.
Ito ang araw ng unang bakbakan ng World War I na pormal na nagtapos sa paglagda ng Armistice sa noong ika-11 oras ng ika-11 araw ng ika-11 buwan noong 1918.