Saturday , November 16 2024
IPINAKIKITA nina NCRPO chief. P/BGen. Debold Sinas at MPD director P/BGen. Bernabe Balba ang retrato ng tatlong persons of interest sa pananambang at pagpatay sa Senior Labor Officer ng Department of Labor Employment na si Helen Dacanay noong Lunes ng hapon sa Malvar St., Malate, Maynila. (BONG SON)

4 persons of interest tinukoy sa pagpatay sa DOLE official

APAT ang itinuturing na persons of interest ng Manila Police District (MPD) sa pagpatay sa opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Lunes ng hapon.

Batay sa nakalap na footages mula sa CCTV ng MPD, makikita kung paano tinambangan ng una at pangalawang persons of interest ang biktimang si Helen Dacanay, 59, Senior Labor Officer, residente sa Blk 11 Lot 1 Casimiro Town Homes Queensrow Bacoor, Cavite habang minamaneho ang kanyang kotseng Honda Brio hatchback, may plakang ACA 7338 kasama si Atty. Agatha Daquigan, 55, National Labor Rela­tions Commission Arbiter sa bahagi ng Malvar St., Malate, Maynila.

Sa CCTV, makikitang naglalakad ang dalawang lalaking nakasombrero at hinarang ang sasakyan ng biktima, nilapitan ang driver side saka pinag­babaril si Dacanay.

Matapos ang pama­maril, tumakbo patakas ang dalawang gunman.

Ang pangatlong per­son of interest, nakasuot ng pulang T-shirt, ang nagsilbing pointer na nagmatyag umano nang dalawang oras sa paligid ng DOLE.

Sa iba pang kuha ng CCTV, makikitang sakay na ang mga gunman ng motorsiklong Suzuki, walang plaka, may kulay na kombinasyong gray at blue.

May kuha rin na kumaliwa sa Nakpil, kumanan sa Anakbayan saka tumawid sa Quirino hanggang Mendez.

Ilang sandali pa, nakita na lamang na naglalakad ang dalawang gunman sa San Andres, Maynila habang ang isa na sakay ng getaway motorcycle ay itinuring na pang-apat na person of interest ng MPD.

Bumuo na ang MPD ng special task group para tumutok sa kaso ni Dacanay.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkaki­lanlan ng mga suspek gayondin ang tunay na motibo sa pananam­bang.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *