Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Para sa 2020… P17.8-B Manila executive budget aprobado na

INAPROBAHAN na ng Sangguniang Panglung­sod ang P17.8 bilyong executive budget sa taong 2020 para sa lungsod ng Maynila.

Si Manila Vice Mayor Honey Lacuna ang tuma­yong  presiding officer sa Konseho na nanguna sa pagpasa sa nasabing pondo sa ika-33 regular session gayondin si Majority floor leader at 3rd District Councilor Atty. Joel Chua.

Makatutulong ang inilaang pondo para sa mga programa at proyekto ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para sa itinakdang misyon at bisyon sa “Bagong Maynila.”

Ayon sa alkalde, mahigit P10 bilyon ang ilalaan para sa kapakinabangan ng mga Manileño na gagamitin sa economic services at social amelioration program.

Kabilang dito ang pagbibigay ng mga bene­pisyo para sa senior citizens, persons with disability, solo parent, pagkakaroon ng allowance sa Grade 12 at college students sa lahat ng pampublikong eskuwela­han sa lungsod.

Pinaglaanan din ng pondo ang “in city vertical housing program” ng lokal na pamahalaan para sa mga informal settlers sa Maynila upang magkaroon ng maayos na tirahan at disenteng pamumuhay.

Matatandaan, pana­hon pa lamang ng kampan­ya nang ipangako ng alkal­de na prayoridad niyang mabigyan ng benepisyo ang mga Batang Maynila.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …