Monday , November 18 2024

Kape mula Bukidnon at Sagada, wagi sa Milan, Italya

GINAWARAN ng Gourmet award ang Mirabueno Coffee mula Bukidnon habang nakatanggaap din ng Bronze award ang SGD Coffee mula Northern Sagada sa 5th International Contest of Locally Roasted Coffees na inorganisa ng Agency for the Valorization of Agricultural Products (AVPA) na ginanap sa lungsod ng Milan, Italy noong 21 Oktubre.

Ito ang pangalawang beses na nagtamo ang Filipinas ng gantimpala sa coffee competitions simula noong Manalo ang Bana’s Coffee mula rin sa Sagada ng Gourmet prize noong taong 2017.

Dahil sa karangalang nakamit, ibinalik ng Mirabueno Coffee, SGD Coffee, at Coffee Heritage Project ang bansa sa mapa ng pinakamasasarap na kape sa buong mundo.

Tinanggap ni Chargé d’Affaires Mersole Mellejor ng Philippine Consul General’s Office sa Milan ang mga gantimpala para kay Raymund Mirabueno, Andrew at Mary Tomeg, Felipa Villicana, Zo Lim, Butch Acop, at Rich Watanabe ng Coffee Heritage Project.

Ang Coffee Heritage Project (CHP) ay grupong nasa likod ng partisipasyon ng Mirabueno Coffee at SGD Coffee sa AVPA. Ito ay pribadong non-profit initiative na layuning tumulong sa mga magbubukid na makapagtanim ng world-class na kape.

“Our effort to get recognition for CHP’s partner- growers represents a small part of the total CHP work, but AVPA coffee competition helps us showcase the broader work we do to reforest land with sustainable and ecological integration of coffee, the high returns and quality of life offered to coffee growers, and our endless pursuit of the next frontiers in coffee roasting and taste,” ani Acop ng CHP sa isang pahayag.

Tinatayang may 700 coffee producers sa buong mundo ang dumalo at nakiisa sa taunang kompetisyon, na nagsisilbing platform upang makilala ang mga native coffee producer sa iba’t ibang bansa.

Ang AVPA ay isang Paris-based non-government at non-profit organization na binubuo ng mga coffee producer, mga eksperto sa industriya ng pagtatanim ng kape, at taste enthusiasts.

Layunin nitong makapag-ambag sa magpapayaman ng halaga ng mga pro­duktong agrikultural at makilala ang galing ng producers.

Bukod sa Filipi­nas, kabilang din sa mga lumahok ang Peru, Colombia, Mexico, Brazil, Honduras, Guate­mala, Ecuador, Indo­nesia, Laos, Nepal, Thailand, Vietnam, Ethiopia, Cameroon, Gabon, Ivory Coast, Tan­zania, Togo, Puerto Rico at Hawaii.

Kinalap ni Karla Lorena Orozco

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *