NAKABIBILIB naman ang estamina ng Vice Governor ng CamSur na si Imelda Papin. Imagine, ang dami niyang project na ginagawa bilang public servant maliban pa ang dalawang showbiz organization na inaasikaso niya. Nariyan din ang pagiging line producer na ang unang project ay ang The Miguel Malvar Story.
Sa totoo lang, nagulat kami nang malaman ang bagay na ito nang nag-guest siya sa aming show, The Stage Is Yours over EuroTV. Imagine, may oras talaga siya para maging line producer ng isang big budgeted movie na ang bida ay ang ating Pambansang Kamao na si Manny Paquiao.
Naitanong namin kay Manay Mel ang ukol sa posibilidad na hindi matuloy ang pelikula dahil sa hindi pagpayag ng mga kaanak ni Malvar.
Aniya, nagkaroon lang ng kaunting hindi pagkakaunawaan o miscommunication pero very positive siya na maaayos din. Ang pinakahuling balita ay nagsimula nang mag-shooting ang pelikula.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu