PINAKA-STAR STUDDED ang General Miguel Marval, isang war hero mula Batangas. Hinihintay nila ang pagsagot ni Cong Vilma Santos sa alok sa kanya para gampanan ang karakter ni Tandang Sora.
Noon pa nababalita na may gagawing pelikula ang Star Of All Seasons pero hanggang ngayon ay puro plano lamang. Tiyak na isang malaking pagbubunyi ng Vilmanians kung tatanggapin ito ng aktres.
Maliban kay Sen. Manny Paquiao na siyang gaganap na General Miguel Malvar, kasama rin sa pelikula sina Alden Richards bilang Jose Rizal, Daniel Fernando bilang Emilio Jacinto, ER Ejercito bilang Emilio Aguinaldo, at John Arcilla bilang Heneral Luna. Kasama rin dito si Mayor Isko Moreno bilang si Andres Bonifacio.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu