AYOKONG mabigla pero narinig ko na ang mga tsismis, buntis na raw ang isang aktres, bale six weeks na iyon. Pero alam naman ninyo hanggang hindi sila umaamin na buntis sila, wala tayong masasabi. After all sino nga ba ang tuwirang makapagsasabi na buntis siya kundi ang nanay mismo.
Kung sakali namang magbuntis nga siya, mukha namang kaya nilang pangatawanan iyon. Nasa isang magandang kalagayan na naman sila ng sinasabing tatay ng kanyang anak. Maaari naman silang magpakasal any time kung gusto nila, o magsama na muna.
Kung sakali ngang buntis na si aktres, congratulations na lang. (Ed de Leon)