Tuesday , May 13 2025

Sa oposisyon vs Kaliwa dam… ‘Extraordinary powers’ iwinasiwas ni Digong

MAAARING i-takeover ng gobyerno ang operasyon ng ng tubig mula sa Maynilad at Manila Water kapag idinekla ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of emergency bunsod ng krisis sa tubig.

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung sa tingin ng Pangulo ay kailangan mag-takeover ay gagampanan niya ang pangunahing tunkulin ng Pangulo na pagsilbihan at protektahan ang mga mamamayan mula sa mga sitwasyong mapa­nganib.

Nakasaad sa Section 17, Article XII sa 1987 Constitution “the state, in times of national emer­gency may temporarily takeover or direct the operation of any privately-owned public utility or business affected with public interest.”

Kamakalawa, iniha­yag ng Pangulo na gaga­mit siya ng ‘extraordinary powers’ para matugunan ang water shortage sa Kalakhang Maynila at mga karatig lalawigan.

Sinabi ito ng Pangulo bilang tugon sa pagtutol ng iba’t ibang grupo sa pagtatayo ng China-funded Kaliwa Dam pro­ject sa Rizal at Quezon.

ni ROSE NOVENARIO

About hataw tabloid

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *