Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sampalan, murahan sa TV show ni Mystica

TAMA ang sinabi ng mga nakapanood ng Real Talk With Mystica noong October 8, Tuesday sa EuroTV Phils dahil kung nag-abot ang mga guest sa show, tiyak magiging viral dahil may sampalan, sabunutan, at tadyakan.

Walang pamana ang prorama noon ni Tsang Amy Perez sa TV5 ganoon din sa programa noon ng namayapang Ate Luds aka Inday Badiday sa Kapamilya dahil sa pagpokpok ni Divina Valencia ng mikropono sa ulo ni Rey dela Cruz na manager noon ng mga bold star.

Kung nangyari ang nasabing ‘awayan’ sa TV show ni Mystica, tiyak mauungusan ang nangungunang programang Raffy Tulfo In Action na mapapanood at maririnig sa Veritas Radio. Kaya, Tulfo paala-ala lang ito na baka bukas o makalawa ay kilometro na ang layo ng Real Talk With Mystica sa programa mo.

Ano ba ang napapaloob sa TV show ni Mystica?

Usapang totoong tao, totoong istorya , at totoong pangyayari sa buhay ng bawat tao na nangangailangan ng kalutasan. Kaya dahil totoong pangyayari, asahang totoong mainit na palitan ng salita at away ang makikita, murahan at siraan ng pagkatao, yurakan at tapakan.

Kaya abangan, dahil kaabang-abang ang bawat episode ng Real Talk With Mystica tuwing Martes, 8:00 p.m. na mapapanood live sa YouTube at Facebook.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …

Jennylyn Mercado Dennis Trillo Sanggang Dikit FR

Dennis nakiusap tantanan asawang si Jen sa mga intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TO the rescue ang manager nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na si tita Becky Aguila sa …

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …