Thursday , December 19 2024
prison rape

Nanghalay ng bagets… Bading sinampahan ng kasong unjust vexation sa Malabon

SWAK sa kulungan ang isang bading matapos gapangin at pagsamantalahan ang isang 17-anyos binatilyo habang mahimbing na natutulog kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Kaagad tumigil sa pagnanasa ang suspek na si Ace Luziano, alyas Maxine, 20, make-up artist at naninirahan sa isang katabing bahay ng biktima sa Gov. Pacucal Avenue, Brgy. Potrero bago nagmamadaling lumabas.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Diana Palmones ng Malabon Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), dakong 2:00 am, mahimbing na natutulog ang biktimang itinago sa alyas Cocoy nakatira sa C. Perez St., Brgy. Tonsuya na nakitulog sa bahay ng kaibigan sa Gov. Pascual Avenue nang makaramdam ng ibang sensasyon na inaakalang siya’y nanana­ginip.

Sa salaysay ng binatilyo sa pulisya, naramdaman niya ang paulit-ulit na paghimas at pagpisil ng suspek sa kanyang ari na hindi niya agad napigilan sa pag-aakalang kamay ng magandang dilag sa kanyang panaginip ang nagbibigay sa kanya ng kaligayahan ngunit nadesmaya nang imulat ang mga mata at tumambad ang bading na nakasubsob na sa kanyang kaselanan.

Agad humingi ng tulong sa barangay biktima, kasama ang kaibigan na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Ayon sa binatilyo, hindi niya kakilala at noon lamang niya nakita ang suspek na pinandilatan pa umano siya nang dakpin ng mga barangay tanod kaya’t nakaramdam siya ng takot.

Kasong unjust vexation ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *