Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla
Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

Kathryn at Daniel, kailangang mag-behave

DUMATING na ba sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla mula sa kanilang pagbabakasyon sa malamig na bansang Iceland?

Hindi kami updated kung dumating na sila dahil walang ingay. Tiyak naman kung nakabalik na ang dalawa, laman sila ng balita dahil kailangan nilang sagutin ang mga katanungan ukol sa kanilang bakasyon. Pinagpiyestahan ang picture na nakalubog sila sa Blue Lagoon na isang geothermal spa. Roon din daw kinunan ang halikan ng dalawa.

Ang nasabing larawan ay isang paparazzi shot.

At bakit naman kami magtataka kung wala naman silang pakialam kung sino ang nasa palagid nila. Kung gusto nilang magyakapan o maghalikan. Noong nagkita nga ang dalawa sa Hongkong habang ginagawa ang Hello, Love, Goodbye ay naka-video pa ang pagkikita ng dalawa na talagang yakap to-the-max si Kath kay Daniel.

Ang matindi at ikinagulat namin ay nakita sa video ang pag-’open legs’ ni Kath para swak ang kanilang yakapan ni Daniel na isang pagpapatotoo na talagang miss ng dalawa ang bawat isa lalo na si Kathryn.

Para sa dalawa, walang masama sa kanilang ginawa dahil nagmamahalan sila at umabot na sa limang taon ang kanilang relasyon. At malay natin baka kasal na ang dalawa ng palihim. Kaya lang, ang aming punto ay medyo mag-behave naman sila.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …