Saturday , November 16 2024
STL PCSO money
STL PCSO money

STL sa Isabela inaagaw ng grupong Albano?

SANTIAGO CITY, Isabela — Masama ang loob ng mga kapitalista at operator ng larong Small Town Lottery (STL) na pinama­mahalaan ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa lalawigang ito dahil sa isang grupo na nagpapakilalang mga kaanak at kaalyado sa politika ni Governor Rodolfo Albano III, ang pilit na inaagaw ang kanilang operasyon.

Bagama’t wala pang tensiyon na nang­yayari sa dalawang grupo, umapela ang grupong Sahara Games and Amusement Philippines Corporation (SGAPC) na kasa­lukuyang operator ng STL sa Isabela sa pamunuan ng PCSO na huwag pahintulutang makalusot ang grupo ni Cesar Dy upang maagaw ang kanilang operasyon dahil malaki ang malulugi sa kanilang puhunan.

Kasabay nito nababahala ang mga beterano at baguhang kolektor ng STL sa pamumuno ni Anton Toralba na posibleng magkaroon ng gulo sakaling pumabor ang PCSO sa aplikasyon ng kompanya ni Dy na maagaw ang operasyon sa grupo ng SGAPC.

Sinabi ni Toralba, sina Albano at Dy ay magkaalyado sa politika kaya pipilitin umano nilang agawin sa grupong SGAPC ang operasyon ng STL pero mariin nilang tinututulang mangyari ang bagay na ito.

“Sana maresolba agad ng PCSO ang gusot na ito upang hindi na magkaroon ng gulo sa aming probinsiya at magpatuloy ang matahimik na operasyon ng STL,” ani Toralba.

Aniya, 97 porsiyento nang mahigit 10,000 kobrador na nagpapataya sa STL ang hindi susunod sa kagustohan nina Albano at Dy sakaling sila na ang operator kaya umapela rin sila na huwag nilang gulohin ang operasyon ng grupo ng SGAPC kung ayaw nilang mapahiya sa mga mamamayan ng Isabela.

Nabatid kay Toralba, umiikot ang grupo nina Dy at Albano sa mga bayan at lungsod ng Isabela at kinakausap ang mga kabo at kobrador na huwag muna silang mangubra ng taya sa STL dahil ilegal na raw ang operasyon.

Tinatakot umano ng mga armadong grupo ang mga kobrador at kabo ng STL na ipahuhuli sila sa mga pulis sakaling magpatuloy sa kanilang pangungubra ng taya.

Naniniwala si Toralba, ang pananakot ng grupo nina Dy at Albano ay pananabotahe sa buwis na ibinabayad ng grupong SGAPC sa opisina ng PCSO at puwede silang sampahan ng kasong kriminal at administratibo.

Kaugnay nito, binatikos ng grupong SGAPC ang kautusan ni Governor Albano sa pagpa­pahinto sa operasyon ng STL sa probinsiya ng Isabela mula 16 Oktubre hanggang 24 Oktubre.

Sinabi ng isang Eduardo Davalan, presidente ng SGAPC, aabot sa mahigit P20 milyones ang nawalang koleksiyon nila noong ipahinto ni Albano ang operasyon kahit walang awtoridad na gawin ito dahil PCSO lang ang may kapangyarihan bilang namamahala sa operasyon.

Sinabi ni Davalan, hindi lang koleksiyon ang nawala kundi gumastos din sila nang milyon-milyong piso sa pagkain ng kanilang mga empleyado habang nakaistambay ang kanilang betting stations.

Naniniwala ang grupo ni Davalan na gumagawa ng paninira sina Dy at Albano upang magkaaberya ang kanilang kompanya at makuha nila ang loob ni PCSO General Manager Royina Garma.

Sinabi ni Davalan, walang kalokohan at pagkakautang sa PCSO ang kanilang grupo dahil nagbabayad sila ng kaukulang bayarin sa tuwing sasapit ang katapusan ng buwan.

Napag-alaman sa rekord ng PCSO, matagal nang nag-o-operate ng STL sa Isabela ang grupo ni Davalan na pansamantalang nagsara noong ipag-utos ni Pangulong Duterte.

Ngunit noong 27 Setyembre, muling pinayagan ng PCSO ang grupo ni Davalan na ipagpatuloy ang operasyon ng STL sa Isabela epetikbo at simula 1 Oktubre.

Sinabi ni dating acting PCSO General Manager  Larry Cedro, wala silang nakitang ano­malya sa grupo ni Davalan, na maaaring dahilan upang hindi na sila puwedeng mag­patuloy sa kanilang operasyon. (JA)

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *