BAGO ang October 16 announcement ng kompletong walong Metro Manila Film Festival entries ay naging kontrobersiyal ang Culion dahil kay John Lloyd Cruz na may special participation sa pelikulang pinagbibidahan nina Iza Calzado, Meryll Soriano, at Jasmine Curtis-Smith.
May mga nag-akusa kina Shandii Bacolod (na isa sa mga producer ng Culion) na umano’y ginamit ang actor sa promo ng pelikula gayong cameo appearance lamang si John Lloyd sa Culion.
Dahil nakapasok ang Culion sa MMFF, feeling vindicated ba si Shandii laban sa mga nam-bash at nanira sa kanya?
“Hindi ko po kasi alam kung, should I really feel that kasi parang ako naman po lagi ko namang sinasabi, with what happened with me in 2016, hindi ako nagtago, hindi ako tumakas, I faced everything, lahat ng hurdles na ipinasa sa akin, even the lawsuit.
“So you know, wala po akong sinisisi, it was our fault, and we learned our lessons the hardest way possible.”
Noong MMFF 2016 ay entry nina Shandii and Culion director Alvin Yapan ang Oro na naging kontrobersiyal at umani ng batikos dahil sa isang eksena na may pinatay na aso, na nagkaroon pa ng kaso laban sa pelikula.
“And being able to produce again, and to be part of another Metro Manila Film Festival, siguro nga po, baka vindication po ‘yung tawag doon.
“So iyon, sobrang ano, hindi ko siya ma-compose, I’m so happy,” bulalas ni Shandii.
Ano ang nararamdaman ni Shandii na maituturing na “underdog” ang Culion, at ang Isa Pang Bahaghari na pelikulang pinagbibidahan ni Nora Aunor na matunog na makapapasok ay nalaglag?
“To be honest po, part of the staff and actors po ng ‘Bahaghari’ are my friends and my colleagues. You know I have so much respect for them.
“And hindi ako makapag-comment kasi siyempre ‘di ba it involves Ate Guy and I’m a Noranian, I have so much respect so with what happened in 2016 siyempre nagkasakitan kami ni Ate Guy and nagkausap na rin kami and asked forgiveness.”
Ang Superstar dapat ang bida sa Oro, nakapag-shooting na ito ng ilang araw pero hindi nito natapos ang pelikula at pinalitan ni Irma Adlawan.
“Ako naniniwala po ako, kahit saan, basta po may pelikula po si Ate Guy, festival man o wala, it would be an important film!
“Sorry, Noranian po kasi talaga ako. So iyon lang po ang masasabi ko, na parang festival man o wala, Ate Guy will always shine because she’s the brightest and she’s the Superstar and she’s a legend.
“Iyon lang ang masasabi ko.”
Kasama rin ang mga pelikulang Mindanao (ni Judy Ann Santos), 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon (nina Coco Martin at Jennylyn Mercado), at Write About Love (nina Miles Ocampo at Rocco Nacino) sa mga inihayag, nauna na rito ay inanunsiyo na noong July ang unang apat na MMFF film entries, ang Miracle in Cell No. 7 (Aga Muhlach at Bela Padilla), Mission Unstapabol: The Don Identity, The Mall The Merrier (Vice Ganda and Anne Curtis); at Sunod (Carmina Villaroel).
Ang Culion ay sa panulat ni Ricky Lee, sa direksiyon ni Yapan at produced nina Shandii, Iza, Peter and Gilie Sing through iOptions Ventures Corp at ng Team MSB.
Nasa cast din ng Culion sina Joem Bascon, Suzette Ranillo, Mike Liwag, Aaron Concepcion, Joel Saracho, Lee O’Brien, Nico Locco, at Rex Lantano, among others.
Bilang producer, among the entries, kanino kinakabahan si Shandii sa kategoryang Best Picture sa MMFF awards night sa December 27 sa Kia Theater?
“Diyos ko! Without disrespecting or walang intended pun, kasi alam naman po ng lahat lagi kong sinasabi, I think I’m one of the biggest fans of Brillante Mendoza.
“I’m friends with him, ‘yung respeto ko sa kanya OA. ‘Yung talagang dyusko! Lahat ng pelikula niya pinanonood ko.
“So nakakakaba na may Brillante Mendoza sa Metro Manila Film Festival.
“Because si Brillante never did anything na, alam mo ‘yun, ‘yung kunwari parang below 100, always above one hundred siya!
“So nakakakaba pero at the same time nakae-excite na we’re in the same line with direk Brillante.”
Si Brillante ang director ng Mindanao ni Judy Ann.
RATED R
ni Rommel Gonzales