Monday , May 12 2025
knife saksak

Nagkainitan sa perya… 3 mag-uutol at 2 pinsan, pinagsasaksak sa perya

KRITIKAL ang kalagayan ng tat­long mag-uutol habang sugatan din ang dalawa pa nilang pinsan makaraang pagsasaksakin ng tatlong helper ng isang mini-carnival o perya matapos ang kanilang mainitang kompron­tasyon sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Pawang ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) sina  Rogelio Capoquian, 25 anyos, at mga kapatid na sina Jayson, 27 anyos, at Jermie Niño, 23 anyos sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang nasa mabuting kalagayan sa nasabing pagamutan ang mga pinsan nitong sina Nilo de Andres at Jess Sevilla, kapwa 21-anyos, pawang mga residente sa #215 Sitio 6 Brgy. Catmon ng nasabing lungsod.

Sa  pinagsamang ulat nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Richard Andrew Calaycay kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, dakong 8:30 pm, nang maganap ang insiden­te sa  loob ng parking lot ng Robinson’s Mall, Brgy. Tinajeros.

Nabatid na naglalaro si Rogelio ng game of coins sa mini-carnival nang pagsabihan ni John Errol Abuyen, 19-anyos, helper ng perya, na huwag ilagay ang kanyang kamay sa board game.

Nauwi ang dala­­wa sa mai­nitang kompron­tasyon at nang mapansin ni Rogelio na tila pagtutulungan siya ni Abuyen at dalawang kasamang helper na si Renato Corpuz, 23, at Marlon Lucañas, 21, humingi ng tulong sa kanyang mga kapatid at dalawang pinsan na agad nagpunta sa naturang lugar at kinompronta ang mga suspek.

Sa kainitan ng kompron­tasyon, naglabas ng kanilang patalim ang mga suspek at inundayan ng mga saksak sa katawan ang mga biktima.

Ayon kay Col. Tamayao, naaresto ang mga suspek ng nagrespondeng mga tauhan ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 4.

Napag-alaman na ang mini-carnaval ay naiulat na nakaaakit ng mga mag-aaral, out-of-school-youth at mga kabataan sa ilegal na larong barya at colors game at nagdudulot ng ingay sa magdamag.

Sinabi ng mga residente sa lugar, hihilingin nila sa hepe ng pulisya na irekomenda sa city government ang pagpapasara ng mini-carnival.

 (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *