PINAGKALOOBAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ng tig-P500,000 cash incentives ang dalawang atletang nakapag-uwi ng gold medal sa Filipinas.
Sina World Gymnastic gold medallist Carlos Yulo, isang batang Manilenyo, at Olympic-bound gold medallist pole vaulter Ernest “EJ” Obiena ay kapwa nagbigay galang kay Manila Mayor Isko Moreno.
Nagpasa ng resolusyon ang Sanguniang Panglungsod na nilagdaan ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna na nagbibigay ng pinakamataas na parangal bilang kauna-unahang Filipino World Champion sa larangan ng gymnastics.
SI Yulo, tubong Leveriza St., Malate, Maynila, ay produkto ng Aurora Quezon Elementary School at Adamson University sa Maynila.
“His interest in gymnastics was develop as he grew up watching Filipino gymnasts train and compete at the Rizal Memorial Sports Complex,” nakasaad sa resolusyon.
“A diminutive Manileño has carved a niche that signals the emergence of a powerhouse in the world of gymnastics that should inspire his countrymen,” ayon sa resolusyon.
Samantala, nagpasa rin ng resolusyon na kinikilala at binabati si Obiena sa kanyang pagkapanalo sa pole vaulting.
Nag-champion si Obiena at nakapag-uwi ng gintong medalya sa larong men’s pole vault event sa 30th Summer Universiade 2019 na nagtatakda ng isang bagong pambansang talaan ng 5.76 metro upang maging kalipikado sa darating na Olympic event.
Si Obiena, tubong Tondo ay produkto ng Chiang Kai Shek College at University of Santo Tomas.
”[He] stood out among the 6,000 atheletes who competed in the 3oth Summer Universiade 2019 with 220 medal events in 18 sports categoris.
“He secured a berth in the 2020 Tokyo Summer Olympics by surpasing the qualifying standard by making a 5.81 meters finish in a tournament in Chiara, Italy in September 3, 2019,” saad sa resolusyon ng City Council para kay Obiena.
Pinuri ng alkalde ang dalawang atleta sa ipinakita nilang husay at galing lalo pa’t mga produkto ng Maynila ang dalawang batang sumabak sa nasabing palaro.