Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa sobrang gigil… Kumare siniil ng halik sa labi ng truck driver

SINIIL ng halik ng 29-anyos truck driver ang kanyang kumare nang magkasalubong sila sa loob ng kanilang tiniti­rahang compound sa Valenzuela City kama­kalawa ng gabi.

Nahaharap sa ka­song acts of lasci­viousness ang suspek na kinilalang si Jesus Laguinday, residente sa Francisco Compound, Brgy. Karuhatan na isinampa ng Valenzuela Police Women and Chil­dren’s Protection Desk (WCPD)  sa piskalya ng lungsod.

Namula ang mukha sa hiya at galit ng 30-anyos ginang na kinila­lang si alyas Armie lalo na’t hindi niya inakala na hahalikan siya sa labi ng kumpare at malapit na kaibigan ng kanilang pamilya.

Sa ulat kay Valen­zuela police chief P/Col. Carlito Gaces, nabatid na matagal na umanong may  gusto si Laguinday sa ginang pero hindi niya magawang mai­pag­tapat ang nararam­daman dahil bukod sa may live-in partner ang biktima, matalik na magkaibigan ang kanilang pamilya.

Gayonman, hindi na nakatiis sa panggigil si Laguinday nang masa­lu­bong niya dakong  9:30 pm si Armie sa loob ng compound kaya’t matapos akbayan ang ginang ay biglang siniil ng halik ang labi.

Binitiwan ng lalaki ang pagkakayakap at paghalik sa biktima nang magsisigaw at humingi ng tulong sa kanyang mga kaanak.

Kaagad nilang inilapit sa mga barangay tanod ang kabastusang ginawa ng suspek na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …