ISANTABI ang politika at harapin ang bagong hamon na pagkakaisa para sa ikagaganda at kaayusan ng lungsod ng Maynila.
Ito ang hamon ni Manila Mayor Isko Moreno sa 896 barangay chairpersons at pangunahing departamento ng lungsod kasabay ng nilagdaang Executive Order No. 43 sa kanyang “The Capital Report: The First 100 Days of Bagong Maynila” sa ginanap na City Development Council Convention 2019 sa Philippine International Convention Center (PICC), nitong Martes ng umaga.
Sa nasabing kautusan, inoobliga ng alkalde ang lahat ng barangay chairman na magsagawa ng weekly clean-up drive sa kanilang nasasakupan.
Paliwanag ng alkalde, hindi nagtatapos sa 60 days ang clearing operation ng Departmemt of Interior and Local Government (DILG) dahil magpapatuloy aniya ang paglilinis sa lahat ng kalsada sa lungsod.
Pagdating sa kanyang mga kritiko, sinabi ni Isko, hindi siya kailanman nagtanim ng galit o naghangad ng paghihiganti sa kanyang mga kritiko.
Inihayag din niya ang kanyang mga nagawang reporma at mga naging proyekto na pinakikinabangan ngayon ng publiko.