POSIBLENG ipasara ang Isetann mall matapos matuklasang walang permit ang operator nito.
Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kailangan magpaliwanag ang management kung bakit ang operator nito, walang mga kaukulang permit.
Ito ang inihayag ng alkalde sa isang talakayan matapos siyang sabihan ng Bureau of Permits na ang Trans Orient Management Company, ang operator ng Isetann Mall, ay walang business permit ngayong 2019 hindi tulad noong mga nakaraang taon.
Matatandaan, sunod-sunod na pagsalakay ang ginawa ng mga awtoridad bunsod ng illegal gambling at mga stalls na bumibili ng nakaw na cellphone sa loob ng mall.
Ito ang naging dahilan upang busisiin ang mga kaukulang dokumento hanggang matuklasang na walang business permit ngayong taon.