BAWAL nang magtinda ng nakaw na cellphone ang Isettan Mall.
Ito ang babala ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mall kasabay ng banta na ipasasara kapag napatunayang nagkukubli ng mga vendor na nagbebenta ng nakaw na cellphone.
Ginawa ng alkalde ang babala matapos maiulat na isang estudyante sa university belt ang naholdap nito lamang nakaraang linggo.
Dahil umano may application o apps ang kanyang cellphone para ma-trace ang kanyang gadget, natukoy na dinala sa Isetann mall ng holdaper.
Kahit nabawi ng biktima ang kanyang cellphone at pinakiusapan ng may-ari ng stall na huwag nang magreklamo, dumulog pa rin ang biktima sa pulisya.