Saturday , November 16 2024
dead gun

Wanted person nakipagbarilan sa parak tigbak

PATAY ang  isang lalaking wanted sa Valenzuela City matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsisilbi ng arrest warrant laban sa kanya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Carlito Gaces ang suspek na si Dominic Batin, ng Don Simeon St., Mapulang Lupa na hindi umabot nang buhay sa Valenzuela City Medical Center (VCMC) sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Station Inves­tigation Unit (SIU) chief P/Capt. Albert Juanillo Jr., dakong 6:30 pm, tinungo ng Valenzuela Warrant and Subpoena Section (WSS) team, sa koordinasyon ng PCP-6 sa Brgy. 167, Llano, Caloocan City para arestohin ang suspek.

Dala ang dokumento, isinilbi ng pulisya kay Batin ang warrant of arrest dahil sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at Omnibus Election Code na inisyu ng RTC Branch 285, Valenzuela City noong 24 Hunyo 2019.

Gayonman, nang aarestohin na nina P/SMSgt. Roberto Santillan at P/Cpl. Maverick Jake Perez, dalawang beses umanong binaril ni Batin ang mga pulis ngunit hindi pumutok ang armas.

Sa pangamba sa kanilang buhay, napilitang paputukan ng mga pulis ang suspek at nang masapol sa katawan ay itinakbo sa pagamutan.

Napag-lamang ilang taon na ang nakalilipas, nasangkot din sa ilegal na droga si Batin.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *